Gary mahigit 50 na pero hataw pa rin sa kantahan at sayawan

gary valenciano

NAGMISTULANG concert ang presscon ng “Gary V Presents” concert series para sa finale season nito ngayong darating na May 12, 13 at 14 sa The Theatre, Solaire.

Pambihira ang concept na pagsama-samahin ni Gary Valenciano ang ilan sa mga mahuhusay na concert performers na kilala sa kanilang mga genre. Gaya ni Carla Guevarra na nakilala sa mga broadway musicale, si Lara Maigue na sa kanyang pagi-ging millennial ay nakakamangha ang atake ng mga Pinoy kundiman songs, si Timmy Favino na mala-Martin Nievera ang boses, at marami pang iba na puro “halimaw” pagdating sa pagkanta.

Aliw na aliw kaming naki-jam at nakisaya sa pa-mini concert ni Mr. Pure Energy with his special guests at dahil preview pa lang yun ng mga magaganap come the concert night, expect more pasabog production numbers.

Pawang mga galing sa reality shows ang halos guests ni Gary. Mula sa X-Factor Philippines, Pilipinas Got Talent hanggang sa The Voice, wala kayong itatapon sa mga ito.

Gary indeed has redefined the concert scene by having all of them in one stage. And yes, did we tell you na sa edad niyang 50 plus ay parang nasa 20s pa rin kung gumiling at sumayaw si Gary V?

 

Read more...