Robin mas piniling manahimik kesa makapagsalita ng masama laban kay Aljur

robin kylie at aljur

WALA naman palang galit kina Kylie Padilla at Aljur Abrenica si Julian Trono, pero bakit noong mga nakaraang panahon eh kulang na lang ay sapakin siya ni Machete.

Na-link noon si Julian kay Kylie matapos hiwalayan ng aktres si Aljur. At sa isang panayam nga ay sinabi ni Aljur na nagsumbong sa kanya ang GF na may ginawang hindi maganda si Julian na talagang ikinagalit niya.

Ito namang si Julian, kung kailan magkakaroon na ng anak ang dalawa ay saka pa siya nagsasalita. Hay ewan ko sa inyo. Basta ang balita, babalik daw si Kylie sa Encantadia ng GMA after niyang manganak. Si Aljur naman ay patuloy sa paghahanap ng mga handler na tutulong sa kanya para magkaroon uli ng mga project.

And yes, balita ngang naunsyami ang supposedly pag-uusap nila ni Robin Padilla na hindi mas pinili na lang ma-nahimik sa pagbubuntis ni Kylie kesa makapagsalita ng masama against Aljur.

Read more...