Charice winawasak ang buhay at career dahil lang sa babae

 

MISMONG ang talent manager na ni Charice Pempengco ang nagkumpirmang hiwalay na ito sa kanyang live-in partner of four years na si Alyssa Quijano.

At sa ikinowt niyang pahayag ni Charice na, “I’m tired!” ay obvious that we don’t see a reconciliation in the offing. Kumbaga, dumating na ang saturation point para sa international star not to fight for her love anymore and just let things as they are.

Na-disturb lang kami sa desisyon ni Charice to quit showbiz. Nandu’n ang aming panghihinayang na sa halip na pulutin ang kanyang nagkapira-piraso niyang sarili ay siya na mismo ang gustong wasakin ‘yon.

Maaaring easier said than done, wala kasi tayo sa kanyang katayuan. But Charice had better knock some sense into her head. Pati ba naman singing career niya, gusto pa niyang mawala sa kanya? Eh, ano na lang ang matitira sa kanya?

Seeing Charice devastated by an unsuccessful relationship ay malabong makaengganyo ng susunod na karelasyong posibleng ikatagumpay niya. Si Alyssa Quijano lang ba ang nag-iisang babae sa mundo? Charice naman, kahit maigsi ang leeg mo, i-try mong luminga-linga sa iyong paligid. For all you know, nariyan lang sa tabi-tabi ang babae destined to be yours (ay, baka hindi rin ‘yon pangmatagalan!).

Eh, ‘di nagmumukmok ka ngayon. Tapos, magku-quit ka pa sa showbiz, ano’ng kikitain mo? Dahil wala ka nang pera at said na ang ipon mo, malamang na mapabayaan mo ang itsura mo, baka Chaka-rice na ang itawag sa ‘yo.

‘Pag tsumaka ka, baka wala nang magkakagusto sa ‘yo (asa ka pa?). Apektado na rin ang pagiging international star mo. Ang lahat ng pinaghirapan mo, mawawalan lahat ng saysay.

Sabi nga ng pamagat ng isang kanta…LISTEN!

Read more...