Nagpaalam na si Kobe Paras sa kanyang college school na Creighton matapos ang isang taong pananatili dito.
“You welcomed me into your world, into your thoughts & made me a better person. This is goodbye,” sabi ni Paras Linggo sa kanyang Twitter account na @_kokoparas.
Napabalitang nakuha na ng anak ni PBA legend na si Benjie ang kanyang release papers mula sa paaralan at ngayon ay plano ng lumipat.
“Thank you coaches and Creighton Bluejay fans,” pasasalamat ng 6-foot-6 forward sa kanyang naging coaches at mga fans.
Limitado ang naging papel ng 19-anyos na si Paras para sa Creighton at nakita lamang siya sa 15 mula sa 35 na laban ng Bluejays sa nakaraang season kung saan nagtala siya nag-average ng 1.3 puntos at 1.0 rebounds sa loob ng 4.7 minuto lamang na paglalaro.
Sumapi si Paras, sa Creighton Hulyo noong nakaraang taon kasunod ng withdrawal sa UCLA.
MOST READ
LATEST STORIES