Jinri Park na-starstruck kay Marian sa taping ng Encantadia

marian rivera at jinri park

NAGPAKA-FAN girl ang sexy model-actress na si Jinri Park a.k.a. Juvila ng Encantadia nang makita niya sa set ng top-rating series ng GMA ang Primetime Queen na si Marian Rivera.

Nakita namin ang photo na ipinost ni Jinri sa kanyang Instagram account recently na may caption na: “With the Goddess herself @marianrivera on the set of Encantadia.”

Anyway, nagsimula nang maghasik ng lagim si Hagorn (John Arcilla) laban sa mga diwata. Sa katunayan nga umiral na naman ang pagkaganid niya sa kapangyarihan nang pinaslang niya si Avria (Eula Valdes) upang makuha ang brilyante ng Hangin at Diwa dito.

Nakipagtuos na rin ang mga Diwata at Sapiryan laban sa mga Hathor at Etherian. Sa paghaharap ni Hagorn at ng mga Sang’gre na mayroong hawak na tatlong brilyante, sino ang mananaig? ‘Yan ang hindi dapat palampasin sa Encantadia gabi-gabi after 24 Oras sa GMA.

Read more...