Pwede bang dobleng benepisyo sa parehong sakit?

MA’AM magandang araw po sa Aksyon Line.

Ang mother ko po ay na confine for two weeks at na diagnosed na may pneumonia. Then after 10 days, muli na naman siyang na-confine for pneumonia.

Ask ko lang po kung pwede pa rin siyang makakuha ng benefits na natanggap niya noong una siyang nag loan. Sana ay matulungan ninyo ako sa aking katanungan.
Rizalyn Cordero
Lucena, Quezon

REPLY: Bb. Cordero:

Pagbati po mula sa Team PhilHealth!

Amin pong ipinababatid na ang PhilHealth ay mayroon pong serbisyong polisiya na kung tawagin ay Single Period of Confinement (SPC).

Ito kung saan kinakailangang may 90 days interval kung mag-a-avail ang miyembro o dependent ng kanyang Philhealth benefits para sa parehas na sakit o diagnosis.

Kung kaya, ang isang pasyente ay makagagamit lamang muli ng benepisyo para sa parehong karamdaman makalipas ang 90 araw mula ng unang ma-discharge.

Subalit, kung sila naman po ay mako-confine ng ibang kaso o final diagnosis ito po ay maaaring mabayaran ng PhilHealth.

Ipinapatupad po namin ang SPC sa kadahilanang dapat na-gamot na at nabigyan na ng nararapat na pag-aalaga ng ospital ang pasyente at nasiguro na ang paggaling ng may sakit sa sandaling ma-discharge na siya mula sa ospital.

Ito rin po ay isa sa mga paraan ng korporasyon na masiguro na ang aming mga accredited hospitals/facilities ay nakakapagbigay ng de-kalidad at angkop na serbisyo para sa mga miyembro ng PhilHealth.

Para sa karagadagang kaalaman, narito po ang mga kaso ng karamdaman na exempted sa ating SPC rule.
Blood transfusion, outpatient
Brachytherapy
Cataract Surgery (at least 1 day interval)
Chemotherapy
Dialvsis other than Hemodialvsis
Hemodialysis
Radiotherapy
Simple Debridement
Asthma in Acute Exacerbation
For other concerns and further queries, you may e-mail us again or call our action center hotline at (02) 441-7442.
Bisitahin din ang aming website at Philippine Health Insurance Corporation o Philippine Health Insurance Corporation www.philhealth.gov.ph
Thank you.
Warm regards,
CORPORATE
ACTION CENTER
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Read more...