PINAGBAWALAN daw ni Pangulong Digong ang pambansang hepe ng pulisya na si Ronald “Bato” dela Rosa na magjudge sa beauty contest sa Tagbilaran City na idinaos kahapon.
Sinabi raw ng Presidente kay Bato na asikasuhin muna ang security preparations ng Asean Summit, ani Tagbilaran City administrator Leonides Borja.
Mabuti naman at napagalitan si Bato dahil mahilig siyang magpasikat.
Uunahin pa niya ang maliit na event kesa bigyang pansin ang seguridad ng Asean Summit.
Anong klaseng pag-iisip meron itong si Bato?
Si Bato lang ang PNP chief na may showbiz mentality pero kulang sa gawa.
Sintigas ng kanyang pangalan ang kanyang mukha.
Makakasama sana ni Bato si Presidential Legal Adviser Salvador “Sal” Panelo, sportscaster Dyan Castillejo at iba pang sikat na personalidad sa panel of judges ng beauty pageant.
Huwag nang main-ggit si Bato kay Panelo na pinagalitan diumano kamakailan ng pangulo dahil kinontra niya ito sa desisyon na pabayarin na lang ng P3 bilyon ang isang cigarette company sa tax obligation nito.
Sinabi kasi ng nagmamagaling na si Panelo na mali si Presidente.
Eh, gago itong si Panelo dahil kinontra niya ang sinabi ni Digong.
Parang naging hambug na itong si Sal—huwag banggitin ng dalawang beses ang palayaw dahil bastos—nang maupo siya bilang chief legal counsel.
Ang hindi alam ni Sal Panelo ay dekorasyon lang ang kanyang puwesto at hindi ito Cabinet post.
Binigay sa kanya yung puwesto bilang consuelo de bobo dahil buntot siya nang buntot kay Mano Digong noong kampanya.
Noong unang Cabinet meeting sa Malacanang, hinanap ni Panelo ang kanyang upuan na may pangalan sa harap at nang hindi ito makita ay nagtanong sa isang protocol officer kung bakit wala siyang puwesto sa long table.
“Sir, hindi po kayo Cabinet member,” sabi sa kanya.
Kaya’t naupo na lang daw sa isang sulok si Panelo habang si Pangulong Digong was having his first ever Cabinet meeting.
Dapat ay alam ni Panelo kung saan siya pupuwesto.
Bigyan natin ng papuri ang Commission on Human Rights (CHR) sa pagkakadiskubre ng isang sikretong selda sa loob ng Station No. 1 sa Tondo, Manila kung saan nakakulong ang 12 drug suspects na parang mga baboy sa isang pig pen.
Kahit na si Director Oscar Albayalde, chief ng National Capital Region Police Office (NCRPO), ay hindi nakatagal sa amoy at init sa loob ng selda nang siya ay nag-inspection ng lugar kahapon.
Ang selda ay walang bintana.
Ang lahat ng mga detainees sa selda ay hindi nasampahan ng kaso kahit na sila raw ay hi-nuli sa kaso ng droga.
May mga reports na pinakakawalan lang sila kapag sila’y nagbigay ng P40,000 kada ulo.
Ang station commander na si Supt. Roberto Domingo ay natanggal na sa puwesto kahapon din matapos itong mailathala sa pahayagang INQUIRER, sister publication ng Bandera.
Dapat ay ipadama kay Domingo ang naranasan ng mga detainees sa loob ng maliit at mala-oven na selda.
Sa palagay ko ay mamamatay si Domingo ng ilang oras sa loob at yan ang magiging magandang parusa sa kanya.
Mas mabuti pang kitilin mo na ang buhay ng isang pusakal na kriminal kesa pahirapan mo ito.
Hindi makatao at makatarungan ang torture, puwera lang siguro sa mga Abu Sayyaf.
Maganda ang ginagawa ng administrasyon sa pagdispatsa sa mga drug pushers at pusakal na mga kriminal dahil pabor pa nga ang “salvage” sa kanila.
Sa kamatayan, wala ka nang paghihirap.
Maraming pulis ang ginagamit ang kampanya laban sa droga sa kanilang masamang gawain: patayin ang kanilang personal na kaaway o kuwartahan ang mga drug suspects.
Kung may kakatiting na utak si Bato, dapat alam niya ito.
Ang mga pulis na ganito ang gawain ay dapat isalvage rin.