Ningas-cogon sa pag-resolba ng trapiko sa MM

NAKITA natin nitong mga nakaraang linggo ang mahusay na pagpapatupad ng MMDA ng paghihigpit sa mga provincial buses na bumabaybay ng EDSA.

Tulad ng marami pang ibang “experiment” ng MMDA, mabilis din natin makita ang pagiging epektibo ng polisiyang ito kung mahigpit ang pagpapatupad. Subalit laging sa simula lang ito epektibo.

Ganito ang karanasan natin sa unang sigwada ng Highway Patrol Group (HPG) sa EDSA, ang extended number coding, at iba pang experiment nila.

Ibig sabihin, kapag mahigpit ang pagpapatupad ng batas, epektibo ang lahat ng policies na gagamitin para maibsan ang trapiko sa Metro Manila.

Halimbawa rito ang “one lane policy” ng mga bus at truck sa C5. Naging “courteous” ang mga truck driver at masunurin sa polisiya dahil nararanasan nila ang mahigpit na pagpapatupad ng batas sa lansangan.

At dahil walang humpay ang pagpapatupad ng batas, natuto ang mga drdriver na sumunod at magbigay sa ibang kapwa motorista sa C5.

Nakapagtataka na ang tatlo sa mga siyudad na tinatawid ng C5 ay siya ring tatlo ng EDSA. Nakakagulat din na sa EDSA ay walang disiplina ang mga bus at truck pero sa C5 ay meron.

Sa Cubao hanggang Ortigas, sobrang gulo ang trapiko, walang linya at kanya-kanya. Pero sa Katipunan hanggang Libis ay nakapila sa designated lanes ang mga truck at bus na kahit masikip ay tuloy tuloy and daloy.

Hindi ba katulad ng C5 na mahigpit ang batas, sa Subic na ganun din ay maayos magmaneho ang mga driver.

Hindi ba dahil sa C5 at Subic ay sanay ang motorists na huhulihin kaya umaayos sa lugar?

Hindi kaya sa EDSA na naka-istambay ng tumpok ang mga enforcer at naghihintay ng lagay ay siyang dahilan kaya walang disiplina at takot ang mga makukulit na driver?

Kung magiging consistent lang ang enforcement ng batas trapiko, tiyak na kahit masikip ay magiging matulin ang daloy nito.

Pero kapag laging ningas-cogon ang pagpapatupad nito ay hanggang simula lang lagi ito.

Auto Trivia: Ang Mitsubishi Motors sa Japan ay pagaari na ngayon ng Nissan Motors matapos bilhin ito makaraan ang eskandalo na halos magpalugi sa Mitsubishi. Pinagaaralan ngayon ng Nissanat Mitsubishi kung paano nila sasamantalauin ang merger na ito ng ikalawa at ikalimang pinakamalaking car producers ng mundo.

Read more...