Kim Domingo nagpasalamat kay Marian: Idol ko talaga siya!

KIM DOMINGO AT MARIAN RIVERA

KIM DOMINGO AT MARIAN RIVERA

FINALLY ay naganap na ang much-awaited story conference ng upcoming soap ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera-Dantes na The Good Teacher.

Makakasama ni Marian sa serye sina Ms. Helen Gamboa, Kim Domingo, Al Tantay, Kristoffer Martin, Jerald Napoles, Julius Erasga, Jillian Ward, Ashley Ortega, Vincent Magbanua at Enrico Cuenca.

Sa isang Instagram post nga ni Kim Domingo ay nagpasalamat pa ito sa misis ni Dingdong dahil sa ibinigay sa kanyang chance na magkatrabaho sila. Inamin din ng sexy star na idol niya talaga si Marian noong Marimar days pa.

Bukod sa all-star cast ang The Good Teacher, siniguro ng production na magugustuhan ng manonood ang kwentong dala ng programa. Ngayon pa lang ay naiintriga na ang mga Kapuso viewers sa magiging tema ng bagong soap ni Marian na isang action-dramedy series.

Read more...