Janella sinorpresa si Elmo sa b-day salubong

JANELLA SALVADOR AT ELMO MAGALONA

JANELLA SALVADOR AT ELMO MAGALONA

SINORPRESA ni Janella Salvador ang kanyang ka-loveteam na si Elmo Magalona sa birthday salubong nito kahapon ng madaling araw. Elmo just turned 23.

Nakasama ni Janella sa party ang pamilya ni Elmo at ilang malalapit na kaibigan nila. Dumating din ang nanay ni Janella na si Jenine Desiderio.

“I feel like I’m dreaming, wala akong alam, hindi ko talaga napansin, thank you so much!” tuwang-tuwang pahayag ni Elmo matapos mag-blow ng cake na dala ng kanyang ka-loveteam.

“Ang galing ko talaga, ang galing ko, di ba?” biro naman ni Janella sa binata.

Busy ngayon ang dalawang Kapamilya stars sa taping ng bago nilang serye sa ABS-CBN, ang Kung Kailangan Mo Ako pati na rin sa shooting ng movie nilang “Bloody Crayons.”

Read more...