ISANG pagbati sa Aksyon Line. Ako po ay taga- Meycauyan, Bulacan. Isa akong newly graduate. Kamakailan naman ay nag-resign ang kapatid ko na nagtabaho bilang hairstylist. Tanong ko lang po kung saan kami pwedeng mag-apply ng trabaho. Sana ay matulungan ninyo kami. Salamat po
Leonida Ramirez
Meycauyan , Bulacan
REPLY: Para sa iyong katanungan, Ms Ramirez,
Sa mga naghahanap ng trabaho, maaaring mag-search sa PhilJobNet ng Department of Labor and Employment, isang internet-based job and applicant matching system.
Base sa record, aabot sa 7,959 new active vacancies sa local employment industry, kabilang sa mga ito ay beauty consultant at finishing carpenter.
Kabilang pa sa top 20 vacancies: Call Center Agent—1,698; Staff Nurse – 899; Beauty Consultant – 610; Salesman – 402; Customer Service Assistant – 342; Food Server – 339; Market Salesperson – 330; Bank Teller – 300, at Real Estate Salesperson – 300.
Iba pang active vacancies sa PhilJobnet Promo Salesperson – 270; Sales Clerk – 265; Delivery Driver – 265; Bagger – 230, Product Machine Operator – 214; Stall Salesperon – 200; Merchandiser – 195; Finishing Carpenter – 189, at Service Crew – 187.
Ang PhilJobNet ay pasilidad ng Department of Labor and Employment para makatulong sa mga naghahanap ng trabaho.
Ang mga job-seeker na may edad 15 ay kinakailangang magpa-register bilang job applicant sa PhilJobNet.
Ang PhilJobNet service ay free of charge para sa job applicants at establishments.
Maaari rin na maka- access sa Job Search Kiosks, isang ATM-type stand-alone equipment, sa DOLE attached agencies at regional offices, Public Employment Service Offices (PESOs), at selected schools sa buong bansa.
Para sa job vacancies at iba pang employment facilitation services, job seekers and employers can log on at https://philjobnet.gov.ph/ or visit Bureau of Local Employment at 6th Floor, BF Condominium cor. Solana & Soriano St., Intramuros Manila. They can also call the PhilJobNet Hotline at (632) 527-2543 Fax: (632) 527-2421.
Director Anna
Dominique Tutay
Bureau of Labor Employment
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.