Angel sweet na sweet kay Neil: Thanks Bark! You made my day extra special!

angel locsin at neil arce

MUKHANG unti-unti na ngang ipinararamdam ng rumored couple na sina Angel Locsin at Neil Arce sa madlang pipol ang tunay na estado ng kanilang relasyon.

Nauna nang ibinandera ng ex-boyfriend-producer ni Bela Padilla ang special friendship nila ni Angel nang batiin nito ang aktres sa kanyang ika-32 birthday (April 22) sa Instagram with matching sweet photo. Sinabi pa ng binata na excited na siya sa “next level” ng kanilang relasyon ngayon.

Nitong nakaraang araw naman, nag-post si Angel sa kanyang social media account ng makahulugang mensahe para kay Neil. Aniya kay Neil, “Thanks Bark. You made my day extra special!” At nilagyan pa niya ito ng “hugging face” emoji.

Sinagot din ito ni Neil ng “hugging face” at “blowing kiss” emoji.

Ayon sa ilang followers ng dalawa, sana’y sila na raw ang itinadhana at patunayan sa buong universe na meron pa ring forever kahit na ilang beses na rin silang nabigo sa pag-ibig.

Tulad ng mga fans ng Kapamilya actress, naniniwala rin kami na may “something” na nga sa kanila ni Neil, hindi naman siguro mag-e-effort ng ganu’n kabongga ang young producer na bigyan siya ng surprise birthday party kung wala lang, di ba?

Read more...