Angel nahanap na nga ba ang ‘forever’ kay Neil Arce?

angel locsin at neil arce

MAY surprise birthday party for Angel Locsin na ang sabi ay ang rumoured boyfriend daw nitong si Neil Arce ang nag-organize.

Halatang surprise na surprise si Angel sa video na aming nakita. She was with Neil when she attended the pa-event for her. At halos lahat ng nakapanood ng video ay nagsabing mukhang nakita na ni Angel ang kanyang “forever” sa katauhan ni Neil.

Kumakalat na ngayon sa internet na dyowa niya si Neil. Sa isang message ni Neil sa kanya ay binati niya ito ng happy birthday at sinabing seven years na ang kanilang friendship at excited na sa “next level” ng kanilang relastionship.

Present sa party ang friends ni Angel from Star Cinema and ABS-CBN at ilang celebrities like Dimples Romana, Bubble Paraiso.

Ex-boyfriend ni Bela Padilla si Neil and when queried sa presscon ng “Luck At First Sight” which she starred in and co-wrote with Neil as producer ay hindi nag-comment si Bela. All she said is that she knows that Neil is dating without saying if his ka-date was Angel.

Last Holy Week, spotted sa Hong Kong sina Neil at Angel together with some friends. Doon, actually, nagsimula ang dating rumor about them.

Anyway, wala naman kaming violent reactions na nabasa from netizens tungkol sa relasyon nina Angel and Neil, karamihan pa nga sa kanila ay botong-boto sa kanila. But some Angel supporters said na dapat ay alagaan na ni Neil ang aktres dahil napakarami na nitong pinagdaanan sa usapin ng love.

Read more...