Hiling ng AlDub nation sa GMA: Ma-extend ang ‘Destined To Be Yours’

 

MAINE MENDOZA AT ALDEN RICHARDS

MAINE MENDOZA AT ALDEN RICHARDS

NABAWASAN ang poot na nadarama ng AlDub Nation kaugnay ng nakaraang kontrobersya ng TV series nina Alden Richards at Maine Mendoza na Destined To Be Yours sa GMA.

Ito’y dahil na rin sa natanggap na parangal ng dalawa mula sa Guillermo Mendoza Memorial Foundation bilang Prince & Princess of Philippine Movies para sa taong 2016.

Eh, taping ng dalawa kahapon ng DTBY kaya wala pang reaksyon ang magka-loveteam. Mga fan lang nila ang naglabas ng komento sa official hashtag na #ALDUBxDTBYBookLaunch.

“Morning ADN Congrats IYAM and whole cast and staff. Congrats MAICHARD,” komento ni @/MD Chiba.

‘Yung ibang fans, binira nila ang isang blogger kaugnay ng blind item na inilabas na patama sa idolo nila. Kapag naman pinaglaruan nila ang salitang ‘resibo’ na nabanggit sa write up. Paalala sa ADN, wag maniniwala sa blind items, huh!

Mas focus nga lang sila na paabutin sa 1 billion tweets ang hashtag kahapon para ma-extend ang programa ng mga idolo.

“DTBY is winning in TVCs. It has even more TVCs than Coco M’s AP, which is being extended until 2018,” @os4aldub.

“We are the biggest threat to the competitors. We need to guard our territory. We need to be united for Rj&M,” @Unni_Jo.

Basta ang relasyon daw nina Alden at Maine, walang kaplastikan at kapekehan, huh!

Read more...