Vicki Belo, Hayden Kho ikakasal na sa September sa Paris

t0426belo-hayden1-300x400

SA hinaba-haba ng prusisyon, sa simbahan din pala ang tuloy ng couple na sina Dr. Vicki Belo and Dr. Hayden Kho, ang isa sa pinaka most followed na mag-partner sa bansa.

Tatapusin ng dalawa ang kanilang 12-taon na roller-coaster ride na pag-iibigan sa altar sa Paris sa Setyembre.

Lalong pinasigla ng dalawa ang interest sa kanila ng publiko dahil sa kanilang cute na cute na anak na si Scarlet Snow, na siya namang most followed baby sa Internet.

Nasa isang milyon na ang mga followers ni Snow sa Instagram.  Tinalo pa niya ang anak ng American Olympian na si Michael Phelps na si Boomer.

Noong isang linggo, ilang kaibigan ng mag-partner ang nakatanggap ng text message. “This is Scarlet Snow Belo and I would like to invite you to be present when my parents, Daddy Hayden and Mommy Vicki, get married in our favorite city, Paris…”

Read more...