Bianca King: Aaminin ko, takot na takot ako sa pagpasok ko sa ABS-CBN!

bianca joem beauty

MATAGAL na palang pangarap ng dating Kapuso actress (na naging Kapatid sa TV5) at ngayo’y Kapamilya na nga na si Bianca King na makagawa ng teleserye sa ABS-CBN.

Isa si Bianca sa mga bibida at magiging kontrabida sa bagong afternoon series na Pusong Ligaw na nagsimula na kahapon. At aminado ang aktres na feeling niya ay back to zero uli ang kanyang showbiz career.

Sey ni Bianca sa nakaraang presscon ng Pusong Ligaw, akala niya’y tapos na ang kanyang career bilang aktres, “I really thought my time in showbiz is over. But I’m very thankful na hinanap ako ng Star Creatives para sa project na ito.

“So, parang nag-uumpisa ako ulit. Kasi parang my mindset nga was like maganda yung experience ko sa showbiz, ngayon it’s time to try something else,” paliwanag pa ng dalaga.

Natanong ang bagong Kapamilya star kung ano ang mga ginawa niya noong mawalan siya ng projects sa TV5, “You know, dumating na ako sa point na, ‘Okay, I have to find something else to do with my life.’

“Nu’ng nasa TV5 ako ng dalawang taon, mahal na mahal ko yung mga show ko doon, and yung show ko doon casualty siya nung nangyari sa TV5. So, bigla akong nawalan ng show.

“Kinuha ko yung time na iyon para mag-travel. Hindi ko kasi siya nagagawa dati kasi nag-aaral ako at ang dami kong ibang priorities before na hindi ko na-enjoy yung youth ko.

“So, sa isang year na iyon, nag-travel ako out-of-the-country halos every month. Yung interesting story diyan, kasi meron akong blog before pa. Yung blog ko para sa recipes ko lang and then naisip ko gawin ko kaya siyang travel blog.

“A lot of the destinations I went to in that one year were all sponsored trips. Pati yung pagpunta ko ng Europe, Bali, Korea, they were all because of my blog. Nagsulat ako for my blog and for publications as well. And naghu-host pa rin ako ng mga live events,” mahabang kuwento ni Bianca.

Hanggang sa i-offer na nga ng Star Creatives sa kanya ang Pusong Ligaw, “Honestly, it’s always been my dream to do a show here. Parang yung feeling ko dati kung makagawa ka ng show sa ABS, it’s such a huge milestone for an actor, because the way that they do shows here is something else talaga.

“Moving to ABS, to be completely honest, I was terrified. Takot na takot ako sa idea na finally tatapak ako dito, parang surreal nga siya. But mabilis na nawala agad ang takot ko

“Thanks to their guidance of course, to all of my co-stars, to all the staff, who did not just make me feel welcome but also they made me feel like their friend and their family,” chika pa ng aktres.

Kahapon na nga nagsimula ang Pusong Ligaw at nakilala na ng mga manonood ang karakter nina Tessa (Beauty Gonzales) at Marga (Bianca).

Sila ang matalik na magkaibigan mula sa Batac, Ilocos Norte na nangakong magtutulungan para sa kanilang mga pangarap. Ang gusto ni Tessa ay maging fashion designer habang si Marga naman ang magiging model ng mga kanyang mga creation.

Ngunit nagbago ang takbo ng kanilang buhay nang mamatay ang ina ni Marga. Pupunta ang dalaga sa Baguio para doon hanapin ang kanyang suwerte sa pagmomodelo. Sa Baguio rin ang destinasyon ni Tessa para kumuha ng scholarship exam.

In fairness, aliw ang eksena kung saan nakawala sa isang palengke ang dalang baboy ni Tessa nang mabundol siya ng lalaking nakabisekleta na may dala-dalang mga itlog na nagkabasag-basag sa kalye. Ito ang unang pagkikita nina Tessa at Caloy (Joem Bascon).

Mapapanood araw-araw ang Pusong Ligaw sa Kapamilya Gold after It’s Showtime. Kasama rin diti sina Raymond Bagatsing, Sofia Andres, Diego Loyzaga, Enzo Pineda at marami pang iba sa direksyon nina GB Sampedro, Elfren Vibar at Henry King Quitaina.

Read more...