LRT1, MRT3 nagka-aberya

mrt-lrt

mrt-lrt

Nagka-aberya ang operasyon ng Metro Rail Transit Line 3 at Light Rail Transit Line 1 kaninang umaga.

    Alas-5:56 ng umaga ng magpatupad ng provisional service interruption ang MRT 3 dahil mayroong sira sa riles ang northbound lane sa pagitan ng Magallanes at Ayala Avenue stations.
    Ang biyahe ng MRT ay nilimitahan muna North Ave., hanggang Shaw Boulevard station.
    Naayos ang problema alas-6:32 ng umaga.
    Samantala, nagkaroon naman ng problema sa suplay ng kuryente ang LRT 1 kaya ang biyahe nito ay limitado lamang sa Roosevelt hanggang Gil Puyat stations.
      Nagsimula ang limitadong biyahe ng alas-4 ng umaga.
      Nagkaroon umano ng problema ang power cable sa Baclaran station dahil sa ulan na nagsimula Linggo ng gabi hanggang kahapon ng umaga.

Read more...