MAY follow-up kuwento kami para sa rumored couple na sina Neil Arce at Angel Locsin. May isang source na nagkuwento na nagpunta muna raw sa Taiwan ang dalawa bago sila namataan sa Hongkong nitong nagdaang Se-mana Santa.
Ayon sa aming nakausap, nagpunta ng Taiwan sina Neil at Angel kasama ang ilang kaibigan, kabilang na si Bubbles Paraiso at kapatid nito para manood ng concert ng bandang Coldplay.
Bukod dito, nakita rin sina A-ngel at Neil sa ginanap na concert ng Coldplay sa SM MOA grounds.
At may isa pa kaming source na nagkuwento rin tungkol sa dalawa, “Nandoon din si Neil sa birthday party ng daddy ni Angel last February 18 sa Blue Leaf Cosmopolitan (Libis), mukhang kilalang-kilala na si Neil ng family ni A-ngel.”
Kahapon, usap-usapan din sa social media ang photo ng dalawa habang kumakain ng ice cream on stick.
Nilagyan ito ni Neil ng caption na: “Happy birthday Gel! Amazing what 7 years of friendship has done to us! Excited to see what’s next!”
Ang paniwala ng kanilang followers, nagparamdam na si Neil tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ni Angel, na after 7 years ng kanilang friendship ay tumungo na ito sa next level!
Reaksyon nga ng isang fan ni Angel, “Please love our Darna ge-nuinely. She’s been through a lot kaya po wag mo na dagdagan ang mga heartache niya!”