Ai Ai ipagdarasal na mabuntis pa kahit 50 plus na: Puwede pa yan!!!

aiai delas alas at gerald anderson
SIMPLENG marriage proposal lang ang ginawa ni Gerald Sibayan para sa kanyang future misis na si Comedy Queen Ai Ai delas Alas.

Sa nakaraang presscon ng bagong pelikula ni Ai Ai na “Our Mighty Yaya”, ang Mother’s Day offering ng Regal Entertainment, naikuwento ng komedyana ang naganap na engagement sa kanila ni Gerald.

“Simple lang yon. Isang gabi na nagising na lang ako na binigay niya yung sing-sing. Simple lang yon pero one year na niyang tinatago yung ring na yon.

“Kumbaga, matagal na niyang tinatago yon, pinag-ipunan, so nung nararapat na yung time para sa kanya ibinigay na niya kasi hindi na rin daw niya kayang isikreto,” kuwento ni Ai Ai.

Next year na magpapakasal ang dalawa at wala naman daw nararamdamang takot o pag-aalinla-ngan ang Comedy Queen.

“Oo. Ganu’n pala yon, ‘no pag nandiyan na, iba pala yung ipinipilit kesa na-tural na dumadating. Kasi yung last ko, ipinilit ko kasi yon, eh.

“Marami akong gustong ipaglaban no’n. Marami akong gustong patunayan. Pero mali, eh. So, lahat ng nagsimula nang mali, natatapos nang mali. And lahat ng nagsimula nang tama, natatapos nang tama,” hirit pa ng Kapuso comedy actress.

Nang tanungin kung may nakita ba siyang mga signs sa kanyang boyfriend para masabi niyang “this is the one”?

“Unang-una, walang taong nega sa kanya except sa mga bashers. Pero yung sa pamilya ko, sa mga friends ko, sa mga kamag-anak ko, walang hindi magandang sinasabi tungkol sa kanya, puro positive, isa yon.

“Pero hindi niya alam yon. Mga feedback lang from me lalung-lalo na do’n sa mga pari kong kaibigan. Hindi naman pinaparinig sa kanya pero lahat sinasabi na napakabait ni Gerald. And then, siguro, siya lang sa lahat ng naging boyfriend ko o naging asawa ko na sinasamahan akong mag-novena every Wednesday.

“Ang center namin ay si God kaya siguro it works. Parati kaming nagdarasal and siguro yon yung sign,” sabi pa ni Ms. Ai.

Ipagpe-pray din daw niya na sana’y biyayaan pa rin sila ng anak ni Gerald kahit na nga 50 plus na siya. Kasabay nito, mananatili rin daw siyang celibate (no sex) hangga’t hindi pa sila kasal.

“Magpi-pray ako. Basta, puwede pa! Marami namang paraan, at napaghandaan ko na rin ang clinical process ng fertilily,” aniya.

Samantala, umaasa si Ai Ai na magiging maganda ang resulta sa takilya ng pagbabalik niya sa paggawa ng comedy film, ito ngang “Our Mighty Yaya” kung saan makakasama niya sina Megan Young, Zoren Legazpi, Sofia Andres at marami pang iba sa direksyon ni Jose Javier Reyes. Showing na ito sa May 10 nationwide.

Read more...