100 Kapamilya stars nagpainit sa 2017 Summer Station ID

juday pbb vice ganda

HALOS isang-daang Kapa-milya stars ang nakisalo sa ningning ng mga ordinaryong Pilipinong nagdadala ng inspirasyon araw-araw sa ABS-CBN Summer Station ID 2017 na i-nilunsad kamakailan sa TV Patrol.

May temang “Ikaw Ang Sunshine Ko, Isang Pamilya Tayo” ang video na nakakuha na ng higit 500,000 views sa Youtube, habang nag-trending topic naman ang #IkawAngSunshineKo sa buong mundo sa mga post ng Pilipino kaugnay ng mga artista at nakaka-inspire na kuwentong napanood nila sa video.

Makikita sa Station ID kung paano maaaring makapagpasaya sa simpleng paraan tulad na lang ng mga matatapang at palangiting bangkera ng Lake Pandin na nakasalamuha ni Judy Ann Santos at ang nakakatuwang pedicab driver na puro kulay lila ang gamit na sinorpresa ni Vice Ganda.

Nakikanta naman sina Lea Salonga, Bamboo, Sharon Cuneta, at Sarah Geronimo kay Sr. Gloria Agagon, FMA na kahit may edad na ay marunong pa ring mag-rock & roll. Nakilala rin ng tambalang “TonDeng” na sina Ian Veneracion at Bea Alonzo ng A Love to Last si Mang Manny dela Rosa na nagdadala ng saya sa mga pasahero ng tren gamit ang kanyang bamboo flute.

Nakakwentuhan din nina John Lloyd Cruz, Coco Martin at Piolo Pascual ang ilan pang Pinoy na patuloy na nagpapakita ng positibong pagharap sa buhay sa kanilang mga pang-araw-araw na gawain.

Sabi ng isang volunteer sa mosaic mural ng Baclaran kay John Lloyd, pangarap niyang makatulong sa kapwa sa pamamagitan ng sining. Ang estudyanteng si Dara Mae Tuazon naman, pi-nabilib si Coco Martin at ang buong cast ng FPJ’s Ang Probinsyano sa kanyang pagturo sa mga bata sa kalye sa libre nyang oras. Si Piolo naman, hinimok ang mga batang may kapansanan sa paningin na huwag bumitaw sa kanilang pangarap.

Kasama rin sa Summer Station ID ang mga pinakasikat na loveteams at artista mula sa mga hit na programa na masayang ginagawa ang mga paboritong summer activities ng pamilyang Pilipino. Gawa ang video ng Creative Communications Division ng ABS-CBN na pinangungunahan ni Robert Labayen sa direksyon nina Paolo Ramos at Peewee Azarcon Gonzales.

Inawit ito ng BoyBandPH, Pinoy Big Brother Big 4 Maymay Entrata, Kisses Delavin, Yong Muhajil at Edward Barber, “Tawag ng Tanghalan” Top 3 Noven Belleza, Sam Mangubat at Froilan Canlas, at teen stars Sue Ramirez, Kristel Fulgar, Sharlene San Pedro, Alexa Ilacad, Kira Balinger at Ylona Garcia sa It’s Showtime na tampok sa lyric video na mayroon nang halos 2 milyong views sa Youtube.

Ilan sa mga miyembro sa 2016 SID Creative and Production Team sina Dang Baldo-nado, Edsel Misenas, Kathrina Sanchez, Sheryl Ramos, Adrian Lim, Chiz Constantino-Perez, Lota Rosales, Mark Bravo, Christer John Salire, Christian Faustino, Angela Suarez, Stephanie Angeles, Edward Ramirez, Christian Abuel, Francheska Elyzza Castro, Maria Karen Sto. Tomas, Marjorie Ofaga, Kay Batac, Christine Joy Laxamana, Vlad Navalta, Leeroy Lim, Lara Allardo, Mark Raywin Tome, Karen Adiova, Shally Tablada, Elisha Blando, LA Sibug, Limer Veloso kasama ang ABS-CBN Integrated Marketing na pinamumunuan ni Nandy Villar.

Abangan ang mas mahabang pagpapakita ng mga kuwento ng sunshine sa ABS-CBN Summer Station ID 2017 hatid nina Juday, Vice, Lloydie, Papa P, cast ng Ang Probinsyano, The Voice Teens coaches, at Ian at Bea sa ABS-CBN Entertainment Youtube channel. Gamitin lamang ang hashtag na #IkawAngSunshineKo para makasali sa pagpapalaganap ng katuwaan ngayong summere sa buong bansa.

Read more...