Makakasampa na sa barko sa buwan ng Mayo

Sulat mula kay Jerald ng Subang, Mandaue  City, Cebu
Dear Sir Greenfield,
Naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung kailan kaya ako susu-wertehin na makapag-barko? Matagal na akong gradueyt ng kursong Marine Transportation ang kaso hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nagkapagtatrabaho. Masipag naman akong mag-aplay kaya lang puro tatawagan daw ako pero hindi naman ako tinatawagan. Sir sa palagay nyo sa edad kong 27 na sa darating na May 28, may pag-asa pa kaya akong makasampa sa barko? At kung makakasampa pa ako sa barko, kailan naman kaya ito mangyayari?
Umaasa,
Jerald ng Mandaue City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Kitang-kita ang malinaw at malawak na Travel Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa i-yong palad. Ibig sabihin sa takdang panahong inilaan ng kapalaran, walang duda, sa edad mong 27 pataas, wag kang mainip, may isang mabunga at mabiyayang pagbabarko na itatala sa iyong kapalaran.
Cartomancy:
Five of Diamonds, Seven of Clubs at Jack of Clubs ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa taon ding ito ng 2017 sa buwan ng Mayo ipapatawag ka na sa agency o shipping company na iyong pinag-aplayan at pagkatapos ng konting training lang tuloy-tuloy ka nang makapaglalayag sa ibayong dagat.
Itutuloy…

Read more...