Coco Martin dapat tularan ng mga magnanakaw at ganid na politiko

coco martin

TRUE to his word, Coco Martin visited Lola Rosita who was confined in a hospital.

Fan kasi si Lola Rosita ni Coco at favourite niyang teleserye ang FPJ’s Ang Probinsyano kaya naman na-wish niyang makasama kahit saglit lang ang Primetime King.

Hindi naman siya binigo ni Coco na agad-agad siyang pinuntahan sa hospital matapos ang kanyang mga show sa Canada and US. Naiyak si Lola Rosita sa biglaang pagbisita ni Coco.

Sa isang Facebook fan page account ay umani ng papuri si Coco dahil sa kanyang kabaitan kay Lola Rosita.

“Mabait talaga ‘yan si Coco Kaya walang humpay ang blessing sa kanya na dumarating.”

“Yan dapat ang maging example ng mga magnanakaw at ganid na politiko. Tumutulong ng walang kapalit at walang halong panloloko!”

“Idol ko din yan si coco martin. sana mameet ko din cia. lagi ako nood probinsiyano. awa ako nasa kulongan e.”

Good news para kay Lola Rosita at sa milyong fans ng FPJ’s Ang Probinsyano, extended uli until 2018 ang serye nina Coco and Yassi Pressman. Super taas kasi ng rating nito at talaga namang pinapasok ng advertisers which cemented further Coco’s image as ABS-CBN’s Primetime King.

Read more...