Alden, Maine dedma sa pag-aaway ng mga AlDub fans at GMA writer; Thea kawawa

alden richards at maine mendoza

WALANG reaksyon sina Alden Richards at Maine Mendoza sa pakikipag-baliktaktakan ng AlDub Nation sa banggaan ng mga ito kay Suzette Doctolero, creative consultant ng GMA Network.

Ang huling tweet ni Maine, hayun at watch lang siya ng Eat Bulaga habang nasa set ng Destined To Be Yours. Luma naman ‘yung huling tweet ni Alden.

After ni Doctolero, hayun at si Thea Tolentino naman ang nilantakan ng ilang AlDub fans sa post ng Kapuso actress sa Instagram niyang naka-two-piece bikini niya. Isa lang ang sinagot ni Thea, ‘yung naglalabas ng maling impormasyon, huh!

Kaaliw-aliw lang basahin ang comments ng followers ni Thea. Lamang nga lang ang positibong pananaw dahil alam nilang trabaho lang ang ginagawa ni Thea sa DTBY. Whereas ‘yung iba, todo lait, huh!

Chill lang dapat, AlDub Nation. Hindi naman puwedeng ‘yung gusto lang ninyo ang masunod eh, may mga taong namamahala sa programa. Hindi naman maaagrabyado ang mga idolo niya dahil sa isang soap, kailangan din namang ng magbibigay ng conflict sa mga bida, huh!

Basta ang mahalaga, hindi kayo nabibigo na napapanood na may dalang killig sa bawat episode sina Alden at Maine!

Read more...