24, birhen pa (2)

capricornSulat mula kay Myrna ng Barangay Santa Filomena, Dipolog City
Problema:
1.      Twenty-four-years-old na po ako, pero hanggang ngayon hindi pa rin ako nagkaka-boyfriend samantalang ang mga kaibigan ko ay may mga boyfriend na at iyong iba ay may mga asawa na. May mga manliligaw naman ako, ang kaso hindi sila seryoso.
2. Sa totoo lang, sa edad kong ito, birhen pa ako at hindi pa nahahalikan. Kaya ask ko sana kung sa taon kayang ito ng 2013 ay magkaka-boyfriend na ako? Kung magkaka-boyfriend ako, sino siya at kailan ko po kaya siya makikilala?
Umaasa,
Myrna ng Barangay Santa Filomena, Dipolog City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Capricorn (Illustration 2.) ang nagsasabing ang unang lalaking magiging boyfriend mo ay isang Virgo,  pero hindi mo siya makakatuluyan, sa halip ang makakatuluyan mo ay ang ikalawang boyfriend mo na isang Cancer.
Numerology:
Ang birth date mo ay nagsasabing isang lalaking isinilang sa petsang 19, ang magiging first boyfriend mo, ang eksaktong birthday ay September 19. Kung saan, sa buwan ding ito ng Hunyo mabubuo ang isang mainit na relasyon.
Graphology
Ang iyong lagda na medyo magulo sa simula ay nagsasabing aabutin lamang ng 10 months ang inyong pag-iibigan. Pagsapit ng buwan ng Nobyembre sa taon na ito ay magkakalabuan kayo hanggang sa tuluyang mag-break. Pero pagsapit ng taon 2014, sa edad mong 25 pataas, ay muli kang magkaka-boyfriend hanggang sa tuluyan ng makapag-asawa hatid ng isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Cancer.
Huling payo at paalala:
Myrna, ayon sa iyong kapalaran, mapalad ka sa taon ito ng 2013 sapagkat dininig ng langit ang iyong hiling. Sa buwan ito ay magkaka-boyfriend ka hatid ng isang lalaking may initial na R.A. Pero hindi mo siya ang makakatuluyan mo dahil pagsapit ng buwan ng Oktubre ay magkakalayo rin kayo. Pagpasok na pagpasok naman ng 2014, sa edad mong 25, ay muli kang magkaka-boyfriend na may initials na R.J. Ang ikalawang lalaki na ngang ito ang makakatuluyan mo at makakasama sa pagbuo ng isang maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya.

Read more...