Regine double b-day celeb sa Sarap Diva, Full House Tonight

regine velasquez

NGAYONG Sabado (Abril 22), dalawa ang magaganap na birthday celebration para sa nag-iisang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid.

Yan ay magaganap sa bonggang episode ng favorite cooking show ng bayan with a big twist na Sarap Diva at sa nakakabaliw at nakakaaliw na Full House Tonight.

Siguradong isang masayang Saturday morning ang sasalubong sa manonood dahil bibisita ang cast ng top-rating GMA primetime series na Meant To Be na sina Barbie Forteza, Ken Chan, Jak Roberto, Addy Raj at Ivan Dorschner sa bahay ng Cooking Diva.

Magiging extra special din ang episode na ito dahil sa surprise appearance ng pinakamamahal na ina ni Regine na si Ms. Tessie Velasquez. Bukod sa pagsasaluhan nilang boodle fight, may paandar naman si Ken na Meant To Be-chon, ang own version niya ng masarap at hindi kasing-mahal na lechon ribs.

Samantala sa Full House Tonight, magdiriwang din ng kaarawan ang Asia’s Songbird at magbabalik-tanaw sa hit 90’s movie niyang “DoReMi” kasama ang mga dating co-stars na sina Donna Cruz at Mikee Cojuangco.

Makisaya sa kulitan ng iconic trio at abangan ang nostalgic nilang performance with the songs “I Can”, “Kapag Tumibok Ang Puso” at ilan pang mga paborito nating classic songs.

Malalagay rin sa hot seat ang Songbird para sa isang tell-all interview na pangungunahan nina Anjo Yllana at Janno Gibbs.

Lalo pang magiging espesyal ang kaarawan ni Regine sa pagbisita ng unico hijo niyang si Nate at sa greetings ng stepdaughters niya na sina Leila at Sarah Alcasid, kasama ang ina ng mga ito na si Michelle Van Eimeren.

Huwag palampasin ang masayang birthday episodes na handog ng GMA para kay Regine ngayong Sabado sa Sarap Diva pagkatapos ng Maynila at sa Full House Tonight pagkatapos ng Magpakailanman.

Read more...