Erap di nagtatanim ng galit kaya magtatagal pa sa mundo

IPINAGDIWANG ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada ang kanyang 80 na kaarawan sa Manila Hotel noong Miyerkules ng gabi.

Tatagal pa si Erap sa mundo; baka umabot pa ito ng mahigit 100 years.
Ang sikreto ni Erap? Hindi siya nagtatanim ng sama ng loob.
Pinatawad niya ang lahat ng mga taong naging dahilan kung bakit siya natanggal sa pagka-pangulo.
Mga resulta ng isang pag-aaral (studies) ang nagpapakita na ang mga taong nagkikimkim ng poot sa kanilang dibdib ay dinadapuan ng malulubhang karamdaman.
Kaya’t mga pare at mare, gayahin natin si Erap.
***
Magmumukhang martir si Environment and Natural Resources Secretary Gina Lopez kapag hindi siya na-confirm ng Commission on Appointments.
Marami kasing nasaktang pulitiko kay Lopez sa kanyang pagpapasara ng ilang minahan dahil ang mga ito ay sumisira sa watershed kung saan dumadaloy ang tubig sa gubat.
Ani Secretary Gina, dapat unahin ang kapakanan at kalusugan ng mga taong nakatira malapit sa mga mining areas bago ang pag-unlad ng ekonomiya gawa ng malaking kita sa pagmimina.

Maraming mga magsasaka ang magagalit sa mga pulitiko na miyembro ng Commission on Appointments kapag hindi siya na-confirm.
Baka pa nga magiging aktibo na naman ang New People’s Army (NPA) sa mga lugar kung saan maraming mining areas.
Nakipag-ugnayan si Lopez sa mga lider ng NPA sa Mindanao upang pangalagaan ng mga rebelde ang mga kabundukan kung saan sila nagtatago.
It would be a disaster if Gina Lopez is not confirmed as environment and natural resources secretary.
***

Pinapanukala ni Health Secretary Paulyn Ubial na magkaroon ng bodyguards ang bawat government na nagtatrabaho sa mga kanayunan.

Ang panukala ng health secretary ay nag-ugat sa pagkamatay ng dalawang doktor sa Mindanao dahil sa pamamaril.
Hindi pa malaman ang dahilan kung bakit pinatay ang mga doktor.
Pero sa tinagal-tagal na panahon ay ngayon pa lang nangyari na pinatay ang mga doktor na nagsisilbi sa mga mahihirap nating kababayan.
Ubial’s proposal to have rural doctors go around with an armed bodyguard or a coterie of bodyguards would invite trouble for the doctors, as well as their bodyguards.

Pag-iinteresan ng mga armadong grupo sa kanayunan ang sandata na dadalhin ng bodyguard kaya’t mapapahamak sila.
Marami nang pagkakataon kung saan tinambangan ng mga NPA ang isang grupo ng sibilyan dahil may kasama silang mga pulis o sundalo.
Buti pang wala na lang bodyguard ang isang government doctor sa nayon.
Tutal naman, alam ng taumbayan na ang kanilang pakay sa kanayunan ay gamutin ang mga mahihirap kaya’t ang mga naninirahan doon ang siyang magbibigay sa kanila ng proteksiyon.

Para sa komento o tanong, mag-text sa 09999858606 o kaya ay mag-email sa inquirerbandera2016@gmail.com

Read more...