‘Kailangang ipangalandakan ni Kris na Hollywood star na siya!’

KRIS AQUINO

KRIS AQUINO

NAKAPIRMA na ng kontrata si Kris Aquino sa isang production na tutupad sa kanyang pangarap na maging Hollywood star.

Nagkabunga rin ang ginawa niyang paghahanda. Ayon mismo sa aktres-TV host ay limang bahagdan ng pagsusulit ang ipinasa niya para lang mapasama sa proyekto.

Siguradong magiging sobrang aktibo ngayon sa pagpo-post ng mga detalye si Kris sa kanyang mga social media account. Si Kris pa? Siyemrpe’y kailangan niyang ipagbanduhan sa buong mundo na isang Hollywood star na siya.

Ayon pa kay Kris, hindi man naging maganda ang takbo ng kanyang career nu’ng nakaraang taon ay nagkaroon naman siya ng pagkakataong maging Hollywood star, meron daw palang mas magandang oportunidad na nakalaang ibigay sa kanya ang kapalaran.

Pero mas naging maganda sana kung meron na siyang proyekto sa Hollywood ay maganda pa ang karera niya dito sa Pilipinas.

Pangmatagalan ang kinabukasan niya rito, samantalang sa Hollywood ay walang katiyakan, pagkatapos ng una niyang pelikulang ito ay ano na ba ang magiging kasunod nu’n?

Sana’y may karera pa rin siya dito para anuman ang mangyari sa kanya sa Hollywood ay meron pa rin siyang babalikan.
Abangan na lang natin kung ano ang magiging kapalaran ni Kris Aquino sa Hollywood.

Read more...