Duterte inayawan ang honorary degree na alok ng UP

duterte-3

SINABI ni Pangulong Duterte  na hindi niya tatanggapin ang honorary degree na planong ibigay sa kanya University of the Philippines (UP)

“With due respect to the University of the Philippines, I  do not accept even when I was mayor di tayo tumatanggap. As a matter of personal and official policy, I do not accept awards,” sabi ni Duterte sa isang ambush interview sa Bohol.

Nauna nang naglabas ng desisyon ang UP Board of Regents (BOR) na pagkalooban si Duterte ng honorary degree.

“Di ko nirereject to use reject… I simply declined,” paliwanag naman ni Duterte.

Umalma naman ang komunidad ng UP sa naging desisyon ng BOR.

Nagtrending pa sa social media ang #DuterteNotWorthy ilang oras matapos isapubliko ang planong pagbibigay ng honorary degree kay Duterte, kung saan umalma ang mga estudyante, faculty at maging ang mga alumni sa naging desisyon ng BOR.

 

Read more...