Hindi na siguro makakabangon ang United Airlines sa mga bashing ng mga pasahero at bloggers sa buong mundo kaya’t mapipilitan itong magsara o ipagbili ang kanilang shares sa ibang airlines.
Ilang araw matapos nangyari ang insidente sa loob ng eroplano ng United Airlines, bumaba ng $800 milyon ang stocks nito sa stock market.
At bumababa pa!
Nagkaroon ng malaking problema ang United, isa sa tatlong pinakamalaking airlines sa buong mundo at pinakamalaki sa US, nang kinaladkad ang isang pasahero nito palabas ng eroplano na papuntang Kentucky sa Chicago airport.
Ayaw tuminag ng pasahero, na nakilalang si Dr. David Dao, isang Vietnamese American, dahil siya’y hinihintay ng kanyang pasyente sa kanyang paruroonan kaya’t kinaladkad ito palabas ng eroplano.
Ang dahilan? Kailangang makasakay ang ilang empleyado ng United patungong Kentucky kaya’t kinausap ng airline kung may mag-volunteer na bumaba at bibigyan ng pabuya.
Nang walang nag-volunteer, pinili ng airline si Dao dahil siya’y Asian-looking.
At ang ibang pasahero na hindi nag-volunteer ay pinabayaan dahil sila’y mga puti.
Ang insidente, na nakunan ng video ng ibang pasahero, ay nag-viral sa social media at naging sanhi ng worldwide outrage o pagkagalit ng buong mundo.
Iiwasan ng mga US passengers na sumakay sa United dahil sa ginawa nito sa pasahero kaya’t mawawalan ito ng kita.
***
May katwiran si Pangulong Digong na tumawa ng malakas sa US government at mga human rights groups sa America dahil tinutuligsa siya ng mga ito sa kanyang kampanya sa droga samantalang hindi rin iginagalang sa US ang mga mamamayan nito na hindi puti.
Si Dr. Dao ay duguan at nawalan ng dalawang ngipin nang siya’y kaladkarin ng air marshals palabas ng eroplano na parang hayop.
Ang mas masakit pa nito, hindi ibinaba ang kanyang bagahe at nawalan ng masusuot na damit si Dao at ang kanyang asawa habang sila’y naghintay ng ibang flight.
So. Why hasn’t the US government acted on the obvious violation of Dr. Dao’s constitutional and human rights?
Bago sana punahin ng America ang muta sa mata ng iba, bakit hindi muna linisin ang kanilang mata ng muta?
Ang sinasabi ng US at human rights groups na hindi ginagalang ng ating gobiyerno ang human rights ng mga pusakal na kriminal at talamak na addict sa droga, iginalang ba nila ang human rights ni Dao?
***
Ang knee-jerk reaction ng United Airlines sa mga batikos dahil sa pagtrato kay Dr. Dao ay paglantad ng kanyang pagiging bakla—inaresto raw ito matapos ligawan ang kanyang pasyenteng lalaki—na walang kinalaman sa isyu.
Kayong mga Pinoy na atat na atat na tumira sa America dahil ito’y land of milk and honey o “apple pie and everything nice”, maghunos dili kayo dahil sa insidente sa Chicago airport na kinasangkutan ni Dao.
Ang mga taong may kulay (colored) ay tinuturing na second class citizens sa US.
Pinaalis si Dao sa United flight to Kentucky dahil siya’y isang Asyano.
Sa America, naghaharing uri ang kulay puti; ang ibang kulay—itim, kayumanggi at dilaw ay tinuturing na mababang uri.
Especially dahil si Donald Trump ang kanilang pangulo.
***
Mabango sa masa si Pangulo Digong, ayon sa latest survey ng Pulse Asia.
Patuloy na magiging mabango sa taumbayan si Mano Digong dahil siya’y tapat sa kanyang tungkulin at hindi kurakot.
Kapag siya’y bumaba sa puwesto sa taong 2023, patungo na ang bansa sa First World status dahil tahimik na ito at wala nang korapsyon sa gobiyerno.
MOST READ
LATEST STORIES