Dalawampu’t-anim katao ang nasawi nang mahulog ang pampasaherong bus sa isang bangin sa Carranglan, Nueva Ecija, bago mag-tanghali, ayon sa pulisya.
Unang nakarekober ng mga lokal na awtoridad ang 24 na bangkay matapos ang insidente, sabi ni Chief Supt. Aaron Aquino, direktor ng Central Luzon regional police.
Martes ng hapon ay umabot na sa 26 ang nasawi at mayroon pang 21 na sugatan, ayon naman sa impormasyong nakalap ng Bandera mula sa Carranglan Police.
Dakong alas-9:45 ng umaga pa umano nahulog ang Leomarick bus (AVZ-757) sa bangin sa Sitio Nursery, Brgy. Capintalan, at naiulat lang insidente alas-11:30, ayon sa lokal na pulisya.
Binabagtas noon ng bus ang highway, mula Isabela patungong Candon City, Ilocos Sur.
Dinala ang mga sugatan sa iba-ibang pagamutan sa San Jose City, Nueva Ecija, at sa Sta. Fe, Nueva Vizcaya, na katabi lang ng Carranglan, ayon sa lokal na pulisya.
MOST READ
LATEST STORIES