BAKASYON grande most of our local stars last Holy Week. May kani-kanya silang destinasyon either sa abroad or dito lang sa bansa, and most of them went sa mga naggagandahang beaches sa Pilipinas kabilang na ang bida sa award-winning indie film na “Ist Sem” na si Lotlot de Leon.
Huwebes pa lang ay nasa Batangas na si Lotlot kasama ang kanyang kapatid na si Ian de Leon at Lebanese businessman boyfriend niyang si Fred “Fadi” El Soury. Sumunod na lang daw sa kanila ang mga anak nila na nanggaling pa sa Caliraya kasama ang Papa nila na si Ramon Christopher.
In fairness kay Lotlot, kahit nagkaroon sila ng problema ni Monching never niyang siniraan at pinagbawalan ang kanyang mga anak na makita at makausap ang kanilang ama.
Well-guided ni Lotlot ang kanyang mga anak. Kahit may mga isyung personal sa panganay niyang anak na si Janine Gutierrez gaya sa ex-boyfriend na si Elmo Magalona at sa nali-link ditong si Rayver Cruz, hindi siya masyadong nag-aalala para sa anak.
“Wala naman po akong takot kasi I think matalino naman si Janine so whatever choices she make nakasuporta lang ako talaga sa kanya. And I’m just praying that she makes the right choices in life for herself. Kasi siya rin naman ang magdadala noon, e, good or bad,” pahayag sa amin ni Lotlot.
Inamin din ng aktres na wala siyang sama ng loob kay Elmo sa “pag-iwan sa ere” kay Janine matapos itong lumipat sa ABS-CBN at magkaroon ng bagong ka-loveteam. Hindi niya na-feel na na-shortchanged si Janine sa pagkakaroon ng ibang kalabtim.
“Isipin na lang natin na kailangan niyang pagdaanan ang mga ganu’n para mas matuto siya especially when it comes to relationships. And, siguro para mas matuto rin siya na mas pahalagahan ang sairli niya,” diin ni Lotlot.
After Holy Week, subsob ulit si Lotlot sa taping ng teleserye niya sa GMA 7, ang Destined To Be Yours and before April 21 ay lilipad naman siya patungong Houston, Texas para sa 50th Annual Worldfest-Houston International Film and Video Festival.
Invited ang “1st Sem” sa film festival sa Texas na magaganap simula April 21-30 sa Flagship AMC Studio 30 Theaters sa Southwest Houston, Texas sa Amerika. Napili ang “1st Sem bilang official selection for programming.
Unang nakasali ang movie ni Lotlot sa 2nd CineFilipino Film Festival noong March 2016. Sumunod nito ay ang pagkakapanalo ng movie sa All Llights India International Film Festival 2016 na ginanap sa Ramoji Film Ciity, Hyderabad, India na idinaos noong Set. 24-27, 2016.
Napili bilang Best Feature Film ang “1st Sem” at win din ang mga direktor na sina Dexter Hemedez and Allan Ibanez sa Debut Director’s Category. Pinarangalan din si Lotlot para sa Special Acting Citation.
Ang lakas ng tawa ni Lotlot when we asked her kung ano ang feeling ng may international acting award. Nakakatuwa raw, nakakataba ng puso at nakakataba ng katawan.
Dahil dito, malinaw na “anak” talaga siya ng Superstar na si Nora Aunor, “Ka-level si Mommy? Ay, no! Marami pa po, marami pa po akong kailangang patunayan.”
Nakakabilib talaga si Lotlot kasi bukod sa pagiging super mom hindi lang sa mga anak niya, siya rin halos ang nagpalaki sa kanyang mga kapatid.
Personal din niyang inaasikaso ngayon ang bago niyang restaurant na The South Grill na matatagpuan sa Sucat, Parañaque.
Anyway, kasama rin sa “1st Sem” ang mga baguhang artista na si Darwin Yu at Miguel Balagtas. Ipalalabas na sa mga sinehan nationwide ang “1st Sem” simula sa darating na April 26.