Eula matatag ang relasyon kay Rocky Salumbides; 9 years nang magdyowa

eula at rocky

IPINAGMALAKI ni Eula Valdez sa kanyang Instagram account ang relasyon nila ng aktor-model na si Rocky Salumbides na going nine years na ngayon. Sweet na sweet pa silang magkayakap sa photo nila together.

Pagdating kasi sa personal life, never naging bukas na bukas si Eula. Hindi naman niya idinidenay si Rocky pero ‘yung ibalandra ang mga litrato nila sa social media na magkasama eh, bihira niyang gawin.

Biro tuloy ng isa niyang follower, kapareho rin niya si Paolo Ballesteros. Magkamag-anak kasi ang dalawa. Sa pinagkaguluhang post ni Paolo sa IG account niya sa mamahaling singsing, proud rin siyang ipaalam ang pagkakaroon ng relasyon.

Hindi naman sagabal ang lovelife sa career ni Eula. Tuloy pa rin ang taping niya sa GMA telefantasya na Encantadia.

 

Read more...