PURO halakhakan ang maririnig sa paligid nang magkasama-sama sa isang malaking umpukan ang mga becking nagtatrabaho sa iba-ibang istasyon. Magkakalaban ang kanilang mga programa pero magkakaibigan sila.
Karamihan sa kanila ay magkakaklase sa kolehiyo, sabay-sabay silang nangarap, hanggang sa makapasok sila sa magkaibang network pero hindi nagbabago ang kanilang pagtitinginan bilang magkakaibigan.
At dahil matagal na silang nagseserbisyo sa kani-kanilang bakuran ay marami silang alam na kakuwanan ng iba-ibang personalidad.
Hirit ng unang becki, “Ahahay! May clone na ngayon ang isang female personality na nagkukunwaring may kausap sa phone kahit wala naman! Di ba, nu’ng minsan siyang mag-pretend na meron siyang kachikahan, e, biglang nag-ring ang phone niya?
“Pahiya ang lowkah! Wala naman pala siyang kausap, umiiwas lang siya sa pagpapa-picture ng mga tao sa paligid niya! Impostora talaga ang babaeng ‘yun, mapagpanggap!” kuwento ng source.
At ang hirit naman ng ikalawang miron, “Sister, may kakambal na siya ngayon! May isa pang girl na ganyan din ang kadramahan sa buhay! Kapag umiiwas siya sa mga may gustong makipag-selfie sa kanya, e, ganu’n na ganu’n din ang atake niya!
“Kunwari, e, may kakuwentuhan siya sa phone, kunwari, e, very busy siya sa pakikipag-usap, pero ang totoo, e, drama lang niya ‘yun! Waley! Wala siyang kausap, isina-silent lang niya ang phone niya para kung may tumawag man sa kanya, e, hindi maririnig sa paligid ang pagri-ring!
“Lukresya rin ang babaeng ‘yun, may sarili rin siyang mundo! Makikita n’yo rin ang epekto nu’n sa tamang panahon! Si Female Personality A, nasaan na nga ba ngayon? Pinagtampuhan siya ng kapalaran!” pagtatapos ng aming impormante.
Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, ang dali-daling hulaan kung sinu-sino sila, di ba naman? Getlak n’yo na agad-agad!