Shaina inabuso ang katawan kaya nagkasakit

shaina magdayao

HINDI umalis si Shaina Magdayao nitong nagdaang Semana Santa. Ipinahinga na lang nito ang ilang araw na bakasyon dahil nagkasakit ang dalaga bago mag-Holy Week.

Nasulat namin dito sa BANDERA na walang planong umalis ng bansa o mag-out of town ang isa sa cast ng The Better Half dahil nga araw-araw na ang taping nila para sa panghapong serye ng ABS-CBN, kasama sina JC de Vera, Carlo Aquino at Denise Laurel at sakto nga, inamin ni Shaina na nagkasakit siya.

Base sa post ng aktres sa kanyang Instagram account kamakailan, “2nd straight taping day for #TheBetterHalf. Left the set for a while for my big check up w/ my Immunologist and Endocrinologist since Ive been getting lately kind of down with all the results. Hmmmm been thinking Im too young to have an AutoImmune Disease that is complicated to manage. But oh well.

“Will just accept this as a reminder to take better care of my aging body (what I get for abusing it since I was 6 yrs old) Shouldnt be too late at 27, right? My Faith is bigger and so is my God. I claim that my next check up will def show improvements #BYEHypoThyroidandmore #IamHealed.”

Totoo naman, six years old pa lang si Shaina ay nag-aartista na siya at ito rin ang edad niya noong pumirma siya ng kontrata bilang Star Magic talent kasama ang mommy Deanne Magdayao niya kaya masasabi naming isa ang aktres sa pinakaloyal na talent ni Mr. M (Johnny Manahan).

q q q

Samantala, ipinost din ni Shaina ang litratong magkasama sila ng daddy niyang si Ike Magdayao na umaalalay sa kanilang magkakapatid at taga-manage ng mga paupahang apartment ng dalaga.

Post ni Shaina, “My life’s Main Man. Who secures and protects me with so much love yet allows me to spread my wings and flyyyy.

“Thank you for having so much confidence in me and most importantly, no matter how hard, trusting that your bunso can responsibly live and seize Life.

“I soar higher because you believe and allow me to. All the more that I make sure I dont break my promises and never would do anything to disappoint you. I thank God for giving me a Father like you!

“You are a blessing to us. I love you, my coolest DaddyYo. Forever your little girl #MagdayaoFamily #MagdayaoSiSters#latepostngsuuuper,” ang kabuuang post ng kapatid ni Vina Morales.

And for the record, si daddy Ike ang nagtuturo noon kay Shaina sa pagkanta at nag-push talagang ito ang tahakin nitong karera tulad ng ate Vina niya.

Tandang-tanda pa namin na kapag may out of town shows si Vina ay talagang pina-package deal ni daddy Ike si Shaina para raw mahasang kumanta at humarap sa mga tao.

Sabi ni daddy Ike noon, mas maganda ang boses ni Shaina kaysa kay Vina dahil mas mataas, pero mukhang mas gusto ng dalaga ang mag-artista kesa sa maging singer na siya namang nangyari.

Laging pinagpapawisan ang mga kamay ni Shaina sa tuwing kakanta siya sa mga show ng ate Vina niya dahil sa nerbyos, hindi lang namin alam kung hanggang ngayon ay inaatake pa rin siya ng sobrang kaba. Ha-hahaha!

Pero sabi ni Shaina, mas gusto niyang umarte at magsayaw ngayon kesa an kumanta. Pero kung bibigyan siya ng chance, gusto pa rin niyang i-try ang singing.

Anyway, masarap lang mag-flashback noong mga bata pa ang magkapatid na Vina at Shaina na nasubaybayan namin ang kanilang showbiz career.

Read more...