Anak ni Roi Vinzon pasok sa The Voice Teens, pinili si Bamboo

isabella vinzon

PROUD na proud ang veteran action star na si Roy Vinzon sa kanyang dalagang anak na si Isabela Vinzon matapos itong makapasok sa Blind Auditions sa pagsisimula ng The Voice Teens last Sunday.

Sina coach Bamboo at coach Sharon ang umikot para kay Isabela matapos niyang kantahin ang “Feeling Good” ni Nina Simone. Si Bamboo ang napili ng dalaga bilang coach niya.

“Sinabi mo nga when you were speaking, gusto mo, ibang path. Ako, it’s what I love to do, it’s what I am. I have chosen nothing but music,” ang pagkumbinse ng rock icon sa anak ni Roi.

Read more...