American young actor umaming fan ni Liza; kampanya kontra mga bully sinuportahan

liza soberano at christian navarro

TUWANG-TUWA si Liza Soberano nang mag-tweet sa kanya ang paboritong American actor na si Christian Navarro, ang gumaganap na Tony sa mystery thriller series na 13 Reasons Why.

Nakuha ng Kapamilya young actress ang atensiyon ni Christian nang mag-post ang dalaga tungkol sa pagsuporta niya sa anti-bullying campaign ng ilang sektor ng gobyerno na isa sa mga subject na tinalakay sa nabanggit na original Netflix series.

Sey pa ni Liza, hindi lang daw ang topic sa 13 Reasons Why ang tinutukoy niya kundi pati na rin ang iba pang uri ng bullying sa iba’t ibang panig ng mundo lalo na ang panghihiya sa kapwa sa pamamagitan ng social media. At dito na nga nag-reply si Christian sa tweet ni Liza. Anito, “Well you’re right Liza. Thanks for watching anyway.”

Siyempre, nagulat ang dalaga nang mabasa ang sagot ng American actor, aniya, “OMG. Thanks for tweeting me!! I love thirteen reasons why!” Na sinagot uli ng binata ng, “Thank you for watching the show!! I’m a fan.”

Reply naman ni Liza, “@ChristianLN0821 Are you serious? Im a fan too! Tony was one of my favortie characters!”

Read more...