‘Ang Probinsyano’ ni Coco nananatiling No.1; mga bashers niresbakan ng madlang pipol

coco martin at arjo atayde

NANANATILI pa ring number one primetime series ng ABS-CBN ang FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin sa kabila ng ilang negatibong komento mula sa bashers.

May mga netizens kasing pilit na kumukuha ng simpatya mula sa mga manonood na tapusin na ang action serye nina Coco, ngunit mas marami pa rin ang nagtatanggol sa Ang Probinsyano at nagsasabing ayaw pa nilang matapos ang programa.

Ayon sa isang die hard fan ni Coco, paanong papatayin ang isang teleserye na patuloy pa ring nakakakuha ng mataas na rating at sandamakmak pa rin ang TV commercial? Kung meron daw isang programa ang ABS-CBN na may karapatang tumagal nang ilang taon, ‘yan ay walang iba kundi ang FPJ’s Ang Probinsyano ng tinaguriang Teleserye King.

Read more...