Angel ka-date ang ex-boyfriend ni Bela noong Holy Week

angel locsin at neil arce

SA Hongkong pala nag-Semana Santa si Angel Locsin kasama ang mga kaibigan mula sa ABS-CBN production. Isang kaibigan namin na naka-base na roon ang nakakita sa kanila kast week.

Nag-chat ang aming kaibigan at tinanong kami kung may boyfriend na si Angel dahil nakita raw niya ang aktres na maraming kasama.

Kuwento sa amin, “Puro babae kasama ni Angel na may mga partner-partner. Merong isang lalaki lang na kasama nila, laging nakatabi kay Angel, boyfriend ba niya ‘yun?”

Tinanong namin kung saang lugar sa Hongkong nakita ng kaibigan namin si Angel, sagot nito, “Sa Tung Chung station (MTR).”

May nadaanan naman kami sa aming timeline na litrato ni Angel at mga kaibigan nito at saka lang namin nalaman kung sino ang lalaking kasama raw ng grupo, si Neil Arce pala ‘yun, ang ex-boyfriend ni Bela Padilla.

Si Angel na ba ang dine-date ni Neil ngayon?

Sa aming pagkakatanda nu’ng makatsikahan namin ang isa sa cast ng seryeng My Dear Heart, ang alam niya ay lumalabas-labas naman daw ang dating karelasyon pero hindi nito binanggit sa amin kung sino, mas mabuting si Neil na lang daw ang kausapin namin.

Hmmmm, sakto, may presscon ngayong araw ang pelikulang ipinrodyus ni Neil kasama ang Viva Films na “Luck At First Sight” na idinirek ni Dan Villegas at sana lang ay dumalo ang ex-boyfriend ni Bela.

Samantala, tinext naman namin si Angel habang sinusulat namin ang balitang ito pero hindi pa kami niya sinagot.

Silence means YES ba Angel? Para sa amin, wala namang masama kung mag-date nga sina Neil at Angel dahil pareho naman silang single. Matagal-tagal na rin namang hiwalay ang aktres kay Luis Manzano at mukhang naka-move on na nga si Neil sa break-up nila ni Bela.

Read more...