IKINUWENTO kamakailan ni Zoren Legaspi ang epekto after niyang gampanan ang katakter ni Bathalumang Emre, ang diyos ng mga diwata sa mundo ng Encantadia.
Ayon kay Zoren, nang ialok daw sa kanya ang role, agad daw niya itong tinanggap dahil action-packed ang mga scenes na gagawin niya bukod pa sa excitement na makakatrabaho niya uli ang mga magagaling na artista ng Kapuso network.
Pero hindi raw niya in-expect na madali siyang mare-recognize ng mga Encantadiks through his character.
Aniya, tuwang tuwa naman siya dahil kahit ilang araw pa lang siya sa Encantadia, tumatak na siya sa mga manonood.
“When I go out, they call me Emre. It makes me happy dahil ang bilis ng tatak, maganda naman yung feedback, kaya natutuwa ako, kaya lalo akong nae-excite sa mga susunod na eksena namin,” pahayag ni Zoren.
q q q
Samantala, sa pagpapatuloy ng kuwento ng Encantadia, bigo pa rin si Pirena (Glaiza de Castro) na makuha ang ginintuang orasan. Hindi nila ito nakuha kay Avria (Eula Valdez) dahil naunahan sila ni Hagorn.
Nalaman nina Danaya at Imaw ang tungkol sa pakay ni Pirena sa ginintuang orasan matapos iulat ni Hitano at gamit na rin ang balintataw ni Imaw.
Hindi na nakapagpigil si Pirena at sinugod na si Avria ngunit aawatin ni Danaya ang dalawa. Isinama ni Danaya si Pirena palayo ng Etheria.
Pagdating sa Lireo ay nagkaengkwentro rin sina Pirena at Danaya. Inawat ni Alena sina Danaya at Pirena habang tawang-tawa lamang si Avria na pinagmamasdan sila mula sa Etheria.
Habang natutulog si Cassiopeia (Solenn Heussaff) sa gilid ng batis ng katotohanan ay magigising siya sa pagtalon ni Haliya sa batis upang maligo. Sinubukan ni Cassiopeia na hingin ang tulong ni Haliya ngunit agad itong nagbalik sa buwan. Isang buwaya mula sa batis ang nakausap ni Cassiopeia.
Matapos isalaysay ng buwaya kay Cassiopeia ang tungkol kay Haliya makakaisip siya ng plano kung paano makakausap ang mailap na Bathalumang Haliya. Kung ano ito iyan ang tutukan ngayong gabi sa nangungunang primetime series na Encantadia pagkatapos ng 24 Oras sa GMA.