Kris ‘tinakot’ ang mga indie TV producer dahil sa pagiging taklesa

kris aquino

TINITIPA namin ang kolum na ito nang hindi namin tiyak kung umere nga kagabi ang ikalawa at huling bahagi ng two-hour Trip Ni Kris special sa GMA.

Pero ang sigurado’y nagkasunugan na ng tulay sina Kris Aquino at Mrs. Doray Morales with Tetay as the “arsonist.”

Bagama’t nag-sorry na rin agad si Kris (na ewan kung malugod na tinanggap ng mag-inang Morales), malinaw na nag-set na ‘yon ng precedent sa mga independent TV producer na magtatangkang kunin si Kris to do a show.

Ewan kung anong epekto rin meron ‘yon sa mindset ng APT, ang opisinang nangangasiwa sa career ni Kris and even to those who do business on her behalf.

Kami man siguro ang namamahala ng career ni Kris ay mahihirapan kaming ilaban siya on our terms.

Baka kung kelan inakala naming plantsado na’t lahat ang usapan, may mga emote si Kris pagkatapos na kami lang ang malalagay sa isang ‘di kaaya-ayang sitwasyon.

Na kahit may pakiusap kami na, “Krissie naman, bigyan mo naman kami ng kahihiyan…,” for sure, ang buweltang isasagot niya ay, “Did I not give you that naman? I gave you na kahihiyan, ah? What else pa ba should I give you? You talaga, you’re so magulo kausap!”

Read more...