Umulan ng cellphone sa mall show nina Daniel at Kathryn; bastos na lalaki nambato ng sombrero

kathryn bernardo at daniel padilla

NAKAKALOKA talaga kapag sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ay may mall tour.

This week, nag-mall tour ang dalawa for the promotion of their movie “Can’t Help Falling In Love”. Talagang pinagkaguluhan ang dalawa lalo na nang sinundo ni Daniel si Kathryn sa backstage. Nakakabingi ang hiyawan sa dalawa.

Ang nakakaloka lang, merong fans na gustong may picture ni Daniel sa kanila. Dahil hindi sila makalapit sa actor, ang ginawa nila ay binato nila kay Daniel nang sabay-sabay ang kanilang mga cellphone.

Mistulang umulan ng cellphone tuloy sa stage. Ayun, nag-selfie si Daniel gamit ang cellphone ng KathNiel fans. Tuwang-tuwa siyempre ang mga hitad na faney.

May isa naman, parang nambastos kay Daniel sukat ba namang batuhin ng sombrero ang actor habang kumakanta.

Gentleman that he is, hindi na lang pinansin ni Daniel ang kabastusan ng isang guy.

From the looks of it, mukhang blockbuster ang “Can’t Help Falling In Love.”

Read more...