Sharon gagawa ng paraan para matapos ang entry sa Cinemalaya

sharon cuneta

MAY pag-asa pa mga Kapamilya! Iyan ang sigaw ng mga Sharonians na nagdarasal na sana’y magawa nga ng Megastar Sharon Cuneta ang kanyang Cinemalaya entry bago pa man siya tuluyang maging super busy sa mga commitments niya sa ABS-CBN at Star Cinema.

Nalungkot na nga ang marami nang mag-anunsyong waley na sa pagkatuloy ang reunion movie sana nina Sharon at Gabby Concepcion pero dahil meron daw ilang linggo na break si mega, baka raw magawan ng paraan ang indie movie niya.

Type na type raw talaga ni Sharon na gawin ang nasabing movie for Cinemalaya at umaasa nga si Mega na makakaya ito ng kanyang busy schedule.

Kaya sige pa, push pa nang push!

Read more...