Globalport Batang Pier natakasan ang NLEX Road Warriors

Mga Laro sa Linggo
(Araneta Coliseum)
4:30 p.m. Blackwater vs Meralco
6:45 p.m. San Miguel Beer vs Star

NAKUHA ng Globalport Batang Pier ang unang panalo ngayong kumperensiya matapos matakasan ang NLEX Road Warriors, 85-82, sa kanilang 2017 PBA Commissioner’s Cup elimination round game Miyerkules sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Gumawa si Malcolm White ng 23 puntos at 16 rebounds para pangunahan ang Globalport na umangat sa 1-4 record.

Nagdagdag si Stanley Pringle ng 15 puntos, 5 rebounds at 4 assists para sa Batang Pier.

Si Wayne Chism ay nagtala naman ng 29 puntos at 14 rebounds para sa NLEX na nahulog sa 0-6 kartada.

Read more...