Sharon nilait ng mga bastos na basher, tinawag na starlet, laos

sharon cuneta

OBVIOUSLY excited about the resurrection of her idle movie career, Sharon Cuneta posted on her Facebook account, “I am still doing TWO MOVIES THIS YEAR. YIPPEE!!! (AND AM STILL DOING THE HAPPY DANCE!)”

Sadly, that was met with sarcasm by netizens who felt na eto na naman si Sharon, announce nang announce, eh, hindi nga nautloy ‘yung comeback movie nila ni Gabby Concepcion.

Wasn’t it just a week ago when Gabby’s camp, with seeming finality said na hindi magagawa ang movie with Sharon because ang kanyang commitment sa GMA 7 ang kanyang priority? He has two shows sa Siyete at wala siyang time for shooting a movie.

Entonces, si Sharon ang naputukan. Parang ni-reject siya ni Gabby.

Fans have warned her to take things slow at ‘wag announce nang announce ng kanyang project lalo pa’t hindi pa ito nagsisimula.

“Ang hilig nya kasing mag announce eh wala pa namang at least storycon ayan nga nga sa sharon gabby proj! LOL.”

“Baka mega-udlot na naman sa kaka announce yan.”

“Hay naku feeling ng starlet na to sikat na sikat pa sya. Tipong magkakagulo ang tao sa announcement nya!! LAOS KA NA!!”

Kayo naman, pagbigyan n’yo na si Sharon. Wala namang masama kung mag-announce man siya. It clearly manifests kung gaano siya ka-passionate na magbalik sa pelikula.

At saka, hayaan n’yo na si Ate Shawie. Understood na natin kung bakit siya excited. When was her last film ba? About ten years ago na ba? Siyempre, expected na ang kanyang pagka-miss sa paggawa ng movies.

Tingnan n’yo nga, willing siya na gumawa ng indie film. Tuloy na tuloy na ang kanyang naudlot na Cinemalaya movie.

Nagkausap na sila ng director at ‘wag na sanang kontrahin dahil baka maudlot pa. Sayang naman ang chance na makagawa siya uli ng isang makabuluhang pelikula na posibleng makapagpabalik sa ningning niya bilang isang drama actress.

Hintayin na lang natin kung papatulan ni Mega ang mga bashers niya sa social media, lalo na ‘yung mga tumawag sa kanya ng laos at starlet.

Knows n’yo naman ang Megastar, medyo mapagpatol din ‘yan sa mga trolls at talagang hindi niya ‘yan pinalalampas.

Read more...