MARAMING kumampi kay Andi Eigenmann nang maglitanya siya sa social media laban sa isang basher na tumawag sa kanya ng “bad mother”.
Nagsimula ang pamba-bash kay Andi nang mag-post siya ng isang litrato ng kanyang anak na si Ellie sa Instagram na hindi nagustuhan ng ilang netizens. May kabastusan pa nga ang ilang komento ng bashers.
Hindi na namin nakita kung anong klase ng litrato ang ipinost ni Andi dahil binura na niya ito matapos makatanggap ng negatibong mga reaksiyon mula sa kanyang mga followers. Ngunit hindi napigilan ng Kapamilya actress ang mapikon sa komento ng isang basher na nagsabing hindi siya naging mabuting ina kay Ellie.
Sa kanyang Twitter account idinaan ni Andi ang kanyang resbak laban sa kanyang bashers, aniya, “Today, my daughter was sexualized over an innocent photo. Today, I was told off by people because I teach my child to embrace her femininity.”
“Today, I realized I will always be in the wrong because the people of this country does not even know what is sexist and what is not. Oh and they also dont understand good art.”
At para naman sa tumawag sa kanya ng “bad mother” ito ang sabi ni Andi, “Please dont call me a bad mother for being different than you. Its a shame how there are still so many close minded people in this country.”
Hirit pa ng dalagang ina, “Self worth. Freedom of choice. Empowerment. COME ON, LADIES.”
May mga sumang-ayon naman sa mga naging pahayag ni Andi. Sabi ng isang nagtanggol sa aktres, huwag naman daw agad-agad mag-judge ng isang tao dahil wala naman talagang nakakaalam ng totoong nangyayari sa buhay ni Andi, pati na rin sa buhay ng ama ni Ellie na si Jake Ejercito.
Sey pa ng isang netizen na kumampi kay Andi, “Bad mother mo mukha mo! Kung magsalita ka parang kilalang-kilala mo ang mommy ni Ellie. Huwag kang manghusga kung ayaw mong husgahan ka! Semana Santa pa naman pero kung makapag-judge kayo ng tao, akala mo mga Diyos kayo! Spell PERFECT?”
Wala pang follow-up sa petisyon na isinampa ni Jake sa korte para sa visitation rights at joint custody ng anak nila ni Andi na si Ellie. Hintayin na lang natin kung hanggang saan hahantong ang isyung ito.