Aktres mahirap katrabaho, pakialamera na, reklamador pa

BLIND ITEM WOMAN 0219

SA isang pagtsi-chika-chika ng mga magkakaibigang female personalities ay bumida sa kuwentuhan ang isang babaeng personalidad na hindi na masyadong bagets.

Lahat sila ay nabigyan na ng pagkakataong makasama ang not-so-young actress, may kani-kanyang karanasan na sila sa girl, kaya may masasabi sila talaga.

Sabi ng aming source, “Actually, lima silang magkakaibigang nagkukuwentuhan. Marami silang chika, tungkol ‘yun sa mga artistang nakatrabaho na nila. Pero ang pinaka-center talaga ng chikahan, e, ang isang girl na kinalolokohan nila.

“Sabi kasi ng isang girl, ‘Nakikialam siya sa kuwento ng serye. Marami siyang tanong. May gusto siyang ipabago dahil ‘yun daw ang nangyayari sa totoong buhay.’

“Twice ko nang naringgan ang girl ng ganu’ng kuwento, talagang mahilig daw makialam ang girl sa istorya. Kapag hindi pumapayag ang scriptwriter na baguhin, sumisimangot na lang siya,” kuwento ng aming impormante.

Ang isang aktres namang nasa umpukan ay direktang nakainitan ng hindi na masyadong bagets na aktres dahil magkaaway sila sa kuwento, sila ang magkakontra, na kung minsan ay nauuwi sa pisikalan.

Patuloy ng aming source, “May ugali kasi ang babaeng ‘yun na kakausapin niya ang production staff sa gusto niyang mangyari at ayaw niyang maganap habang kinukunan ang eksena.

“Tinanong niya ang staff kung gagamit daw ba ng bag ang kaeksena niya? Natatakot kasi siya na baka ihampas ng girl ang bag sa mukha niya. E, nakarating ‘yun sa girl!

“Ang sabi sa kanya, ‘Don’t worry, hindi ko gagamitin ang bag sa eksena natin. Sana, ako na lang ang diretso mong tinanong, hindi mo na ipinadaan sa iba! Hala ka, sa kagaganyan mo, baka ihampas ko nga sa iyo ang bag na ito!’

“Pahiya ang girl, sorry nang sorry sa kaeksena niya, natatakot siya na baka personalin siya sa gagawin nilang eksena!

“Mahirap na nga naman, baka bigla siyang mapasigaw ng ‘I can feel it!’ O, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, getlak n’yo na kung sino siya?” tawa nang tawang kuwento ng aming source.

Read more...