Awra kay Vice Ganda: Totoo po, nagtampo talaga ako sa kanya!

vice ganda at awra briguela

DIRETSONG sinabi ni Your Face Sounds Familiar Kids grand winner Awra Briguela na totoong nagtampo siya sa kanyang nanay-nanayan na si Vice Ganda.

Siyempre, super happy ang sikat na child star sa pagkapanalo niya sa YFSF Kids pero mas magiging kumpleto raw sana ang kanyang kaligayahan kung nakapanood si Vice nang live sa grand finals ng nasabing talent show ng ABS-CBN.

Kuwento ni Awra sa paayam ng Tonight With Boy Abunda, “Text po ako ng text sa kanya, tawag po ako ng tawag. Pero ayaw niyang sagutin.”

Nang i-announce na raw ang name niya bilang grand champion, tinawagan daw agad siya ni Vice at ipinaliwanag kung bakit hindi na siya pumunta sa final showdown.

“Sabi niya sa akin, ‘Ayokong sabihin nila na nanalo ka dahil sa akin. Gusto kong isipin nila na nanalo ka dahil sa sarili mo.’ Maganda naman po ang paliwanag niya,” ani Awra.

Wagi si Awra sa YFSF Kids dahil sa bonggang performance niya bilang si Nicki Minaj kung saan kinanta niya ang hit song ng American rapper na “Super Bass.” Nakakuha siya ng 95.41% final score mula sa mga boto ng judges at text votes ng madlang pipol.

Read more...