‘Nakakaloka ang mga emote ni KUH LEDESMA kay CHARICE!’

LEFT and right ang isyu kay Charice ngayon – from her penetration sa Hollywood hanggang sa paghihiwalay nila ng landas ng kanyang dating manager na si Oprah Winfrey hanggang sa diumano’y pagpapakasal niya with her road manager na si Ms. Blooding sa Las Vegas at ang relasyon nila diumano ng isa sa all-female singing group member na A.K.A. Jam na si Alyssa Quijano, down to her feud with Mommy Raquel.

Sobrang dami for me to remember everything, di ba? Pero ganoon talaga ang buhay – chain reaction iyan. Magkakarugtong halos lahat ng issues na kinasusuungan ni bagets kaya kailangan talaga dito ng sensitive assessments – more pag-unawa and all.

Anyway, huwag sana nating kalimutang tao rin si Charice , isang mortal na may damdamin – nasasaktan tulad din nating lahat. Kaya huwag naman natin siyang idiin sa lahat ng pagkakataon. Kaya nalilito ang bata kung ano ang dapat gawin kasi nga, damn if she does, damn if she doesn’t.

Tulad nito, she is said to be warring with her mommy Raquel. Personal na problema nila ito kaya dapat nating ibalato na lang sa kanya. Huwag nating gatungan nang gatungan dahil problemang pamilya iyan.

Sana nga lang, kung may chance lang akong makausap si Mommy Raquel, enough na with her posts sa mga social media sites against her daughter – personal niyang kausapin ang anak niya.

Kasi nga it is sending a wrong message to the public. Instead na mapalapit ang loob ng anak niya sa kanya, lalo itong lumalayo. She should exert effort para magkaayos sila, kung hindi man ngayon, probably in the next days to come.

Dagdagan pa ng comments nitong si Kuh Ledesma na minsan ding natsismis na tomboy. Ang sabi ni Kuh, dapat daw ay hindi muna umamin si Charice tungkol sa kanyang pagiging lesbiyana at dapat daw sundin nito ang kanyang mga magulang sa lahat ng pagkakataon.

Wow naman Kuh! Madaling magsalita pero mahirap bang unawaing magkakaiba tayo ng persona? Iba ang sitwasyon ng bawat isa sa atin sa mundo. Iba si Kuh, iba si Charice, iba si Raquel, iba si Jobert.

Yung puwedeng i-apply kay Raquel ay baka di puwede kay Jobert at yung puwedeng gawin ni Kuh ay maaaring di bagay kay Charice. Kanya-kanya tayo ng pagkatao, though meron tayong universal norms na sinusunod ayon sa dinidikta ng ating society at relihiyon.

Nu’ng panahong natsismis si Kuh Ledesma na tomboy at karelasyon daw noon si Monique Wilson (na nauna nang umaming isang tomboy, iba ang drama niya that time, may pagkapikon siya.

Siya na rin ang nagsabing she was willing to pay P2 million sa makapagpapatunay na tomboy siya pero sino bang tanga ang maglalakas-loob na patunayang tomboy, siya? Anong ebidensiya ba ang makapagpatunay na tomboy siya?

Kailangan bang makita sila sa larawan ng partner niyang babae na naglelenguwahan? Iyon ba ang sapat na ebidensiya para makamit ng sinuman ang gantimpalang P2 million? Sa pagkakuripot na iyon ni Kuh (wala raw kasing-kunat ang babaeng ito, her friends told us), sa palagay mo ba ay magbabayad siya ng P2 million sakaling may tumanggap ng hamon niya?

Madaling magsalita pero mahirap gawin, Kuh. Madaling mag-deny ang mga celebrities na tulad niyo dahil mahuhusay kayo sa ganyang laban. We’re not saying na tomboy nga si Kuh, natsismis siya that time at kung nakalusot siya noon – kung naging effective para sa kanya ang hindi pag-amin o pagpatol man lang sa isyu, good for her.

But it doesn’t mean too na puwedeng maging effective din kay Charice ang ilihim ang kanyang totoong gender para lubos niyang makamit ang kaligayahan sa buhay.

Maganda sana ang advise niyang sundin ni Charice ang kanyang magulang, but for sure naman, Charice knows that at hindi na siya kailangang i-remind at all times. Hindi lahat ng desisyon ng mga magulang natin ay tama but there’s a way of evading them without hurting them. Or kailangang mapaliwanagan sila nang maayos sa paglihis ng isang desisyon.

Every parent understands naman his/her child kung meron itong gustong tahaking landas basta ba’t hindi lang ito mapapasama, di ba? May mga parents kasing masyado ring diktador – kasi nga meron silang sariling mundo. Hindi naman dapat ganoon, eh. Kung ganoon si Kuh sa anak niya, baka fit iyon sa character ng anak niya. But not to all, ha. Just a reminder to her dahil alam kong matalino naman si Kuh.

Hay buhay, basta kami, ang simpleng advise lang namin ay para kay Mommy Raquel – stop posting your sentiments kay Charice sa social media sites kasi nga mas lalo lang lumalayo ang loob ng anak mo sa ‘yo. Mas magandang manahimik na lang muna, i-assess kung saan siya nagkulang. Kausapin niya nang masinsinan ang anak para di sila tuluyang maghiwalay.

Bilang ninong ni Charice, I have a little right to suggest, di ba? Give your mom a chance to explain, mag-usap kayo nang masinsinan. Don’t fight your mom dahil ayaw ni Lord ng batang nakikipag-away sa nanay. Love her more than you love yourself.

Read more...