Jobert kay Vice: Mas lalong tumaas ang respeto ko sa ‘yo!

vice ganda at jobert sucaldito

TINAPATAN nang nagbabalik-telebisyon na si Kris Aquino ang programa ng kanyang “asawa” na si Vice Ganda last Sunday. For sure, pareho nilang hindi gusto ‘yan but as they always say, “Trabaho lang, walang personalan.”

Si Vice pa ba ang magkakait niyan kay Kris kung ‘yun lang ang tamang timeslot na pwede sa kanyang “asawa” ‘di ba? Tiyak na mas naha-happy si Vice dahil nakabalik na ulit sa TV si Kris.

In the same way, wala namang magagawa si Kris kung saan ilagay or kung ano ang timeslot na pwedeng ibigay sa kanila ng kanyang producer to air her two-hour travel show sa GMA 7.

From a source, heto ang ibinigay niya sa amin na resulta ng rating ng Gandang Gabi Vice at Trip Ni Kris last Sunday: From National, 13.3% vs 4.7, Urban-17.1 vs 6.1, Rural 9.1 vs 3.1, Mega-18.9 vs 8.4 and Metro-22.7 vs 7.6.

Magandang birthday gift ‘yan for Vice na nag-celebrate last Saturday. On the same night, napanoood naman namin si Vice sa very successful concert ni Harana Prince Michael Pangilinan with the new singer Kara Mitzki titled “56K With Kara and Kiel” sa Music Museum.

Maaga pa lang ay nakita na namin ang mahabang pila sa hagdanan ng Music Museum na mga fans ni Michael. As expected, napakahusay talaga na performer ni Michael. Pwede siya sa ballad, pop at pasadung-pasado rin bilang R&B singer. Napakahusay ng ginawang areglo at performance ni Michael sa sikat na kanta ni Ed Sheeran na “Shape Of Your Body” with the help of his favorite musical director na si Ivan Lee Espinosa.

Looking forward talaga kami na mapanood din si Michael ng regular sa ASAP lalo pa’t kulang sa male R&B artist ang show and at the same time, considered home-grown talent din naman siya ng ABS-CBN, ‘di ba?

Anyway, after his opening number ay tinawag agad ni Michael si Vice on stage. Naghihintay na raw kasi ang mga guest ni Vice sa birthday party niya. Hindi naman daw pwedeng ‘di niya siputin ang show ni Michael dahil sa manager ni Harana Prince at producer ng concert na si Jobert Sucaldito.

Love na love daw kasi niya si Kuya Jobert kaya siya pumayag na mag-guest sa concert ni Michael. And he made sure na makakarating siya sa concert dahil afraid siya na ma-blind item na ni Kuya Jobert na isa siyang bakla!

Pero siyempre, pumayag mag-guest si Vice na mag-guest sa concert ni Michael dahil nauna nang nag-perform sa concert niya last time si Michael. Gustung-gusto kasi ni Vice ang kanta ni Michael na “Hanggang Kailan.”

Tahimik naman ang audience habang kumakanta ang isa pang talent ni Kuya Jobert na si Kiel Alo ng medley of songs ng Grammy winner na si Adelle and his heartfelt rendition ng kantang “Jealous.” Ang iba pang guests sa show ay sina Duncan Ramos, Ezekiel, Anthony Rosaldo at Hashtag Nikko Natividad.

“Thanks sa lahat ng pumunta sa concert namin. We had a blast with our main stars and of course our guests. Ang gagaling nilang lahat. Unkabogable Vice Ganda broke the house down. He’s such a genius sa entablado.

“Halos mapaiyak kami sa duet nila ni Michael of ‘Hanggang Kailan.’ Ganda kasi ng lyrics at pagkakanta ni Vice ng sagot sa song, hugot kung hugot. Thanks so much anak na Vice for joining us. Lalong tumaas ang paggalang namin sa iyo, anak,” lahad ni Kuya Jobert.

Read more...