Bansuting male personality muling napagtripan dahil sa mabantot na paa

BLIND ITEM  FEMALE 0318

MAGKAKAIBANG network na ang kinabibilangan nila ngayon pero hindi pa rin malimut-limutan ng mga kaibigan ng isang kilalang male personality ang matinding amoy na pamatay ng kanyang mga paa.

Kapag wala kasi silang trabaho nu’ng mga bagets na bagets pa sila ay nagkakasundo ang magkakatropa na maglaro ng basketball. ‘Yun ang pinakapahinga nila, ‘yun ang naging dibersiyon ng magkakabarkada.

Palaging problema ng tropa ang naglalangis-nangangamoy na paa ng kanilang kaibigan, sobra ang amoy nu’n, kaya walang magawa ang kanyang mga katropa kundi ang magtakbuhan na lang kapag naghuhubad na siya ng shoes.

Komento ng isang source, “Kumusta na kaya ang mga paa niya ngayon? Naglalangis pa rin kaya? Nangangamoy pa rin kaya? Siguro naman, e, naihanap na niya ng solution ang problema niya!

“Saka di ba, married na siya ngayon, meron nang nag-aalaga sa kanya, kaya sana naman, e, graduate na ang masyohong paa niya! Siguradong alam na ‘yun ng wife niya, nakita na niya sigurado ang mga paa ng husband niya na kapag nagsusuot ng sapatos, e, naglalangis ang mga paa!” pag-alala pa ng aming impormante.

Regular na napapanood sa isang sikat na serye ang male personality, hindi siya nawawalan ng raket sa istasyong pinagmulan niya, ‘yun ang naging resulta ng pagiging loyal niya sa network.

“Very loyal siya sa station, hindi tulad ng isang kapamilya niya na lumipat na at lumundag sa kabilang bakuran. Palagi siyang may project sa network, hindi siya pinababayaan, dahil never din naman kasi siyang nagtangkang kumabilang-bakod, in fairness.

“Guwapo siya, may kaliitan nga lang, pero havey naman ang acting niya. Wish ng mga kaibigan niya na makita siya uli, mag-reunion sila, sabay kumusta sa pamatay na amoy ng mga paa niya,” pagtatapos ng aming source.

Naku, Santo-Santo na, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, getlak n’yo na kaya kung sino ang bansuting male personality na ito?

Read more...